TY - BOOK AU - Lapina. Rey Mart A. AU - Pavo, Raymundo R. TI - Mula kalsada hanggang cybora: naratibo at danas ng mga prostituted transpinay sa Lungsod ng Davao sa panahon ng pandemya PY - 2022/// KW - Undergraduate thesis KW - ANTH 200b N2 - Ang pananaliksik na ito ay tiningnan ang danas at naratibo ng mga prostituted transpinay sa Lungsod ng Davao. Sa pamamagitan ng pagtalakay sa kanilang mga karanasan sa loob at labas ng kalakaran ng prostitusyon, makikita ang kanilang mga katotohanan at hamong hinaharap. Gamit and konsepto ng pagkagambala ni Gay Becker at balangkas ng intersectionality ni Kimberlee Crenshaw at autoethnography at panayam bilang pangunahing metodo, sinagot ng pananaliksik ang mga sumusunod na katanungan: (1) Papaano hinaharaya ng mga transpinay ang kanilang sarili at ang kanilang sarili at ang kanilang trabaho bilang sex workers sa panahon ng pandemya sa Lungsod ng Davao? (2) Ano-ano ang mga salik san aka apekto at/o nagtulak sa mga transpinay sa Lungsod ng Dvao upang pasukin ang ganitong uri ng kalakaran? (3) Paano nakaapekto ang pandemya sa relasyon ng mga prostituted transpinay sa Lungsod ng Davao sa kanilang sarili at mga tao sa kanilang paligid? At (4) Paano naapektuhan ng pandemya ang kalakaran ng prostitusyon/sex work sa Lungsod ng Davao at ano ang nagging epekto nito sa buhay at ikinabubuhay ng mga transpinay sa lungsod? Layunin ng pananaliksik na idagdag ang konsepto ng muling pagkagambala sa naunang konsepto ng pagkagambal ni Gay Becker. ito ay uang bigyang diin na may hiwalay na katotohanan at prosesos ang pagiging transpinay at pagpasok sa kalakaran ng prostitusyon. Panghuli, nais ng pag-aaral na matugunan ang kakulangan sa literature at antropolohikal na mga pag-aaral na tumatalakay sa danas at buhay ng mga prostituted transpinay sa Pilipinas lalo’t higit sa kanilang karanasan sa panahon ng pandemya ER -