TY - BOOK AU - Quintos, Jay Jomar F. AU - Zafra, Galileo S. TI - Sa daigdig ng haraya at takot: mga tinalunton na pahiwatig at talinghaga sa kaalamang-bayan at pelikulang katatakutan PY - 2018/// N1 - Thesis N2 - Bukod sa pagtatampoksa mga nilalang mula katutubong-bayan, masasabing walang maayos at malinaw sa pagpapakahulugan ukol sa pelikulang katatakutan. Sa Shake, Rattle and Roll (SRR) ? ang pinakatanyag at pinakamatagumpay na pelikulang katatakutan sa bansa ? paboritong itinatampok ang mga nilalang tulad ng ?aswang?, ?engkanto?, at ?kaluluwa?. Sinisipat ng pag-aaral na ito ang hinog na hinog na pangangailangang suriin kung papaano hinahalaw ang mga nilalang mula sa katutubong kaalamang-bayan patungong pelikulang katatakutan upang lumikha ng takot, pangamba, at agam-agam. Kung ang pelikula ay sinasabing daluyan ng signipikasyon ? mula sa mga naratibong hinahalaw patungong gumagalaw at kumikislap na imahen ? ito?y dumaraan din sa proseso ng pakikisangkot sa paglikha ng kiskursibong kahulugan. Sa pag-aaral na ito, sinisiyasat ang banggaan ng katutubong kaalamang-bayan at kulturang popular ng pelikula hinggil sa pagtatampok sa mga nilalang tulad ng ?aswang?, ?engkanto?, at ?kaluluwa? na binibihisan ng anyong kakila-kilabot, kahindik-hindik, at katakot-takot. Tinatanaw ng pag-aaral ang mga pelikula sa serye ng SRR bilang sinematikong kaalamang-bayan na binibigyang hugis at anyo ng luma ay bagong kolonyalismo. Sa pagsusuri ng mga pelikula, nagging gabay at batayan ang pangkultura, panlipunan, pang-ekonomiya, at pampolitikong kaligiran na umiinog sa mga diskurso ng kaalamang-bayan at pelikula. Bilang paglalagom, masasabing lumilikha ng dahas at lagim ang mga ikinakabit na pagpapakahulugan sa mga nilalang mula sa katutubong kaalamang-bayan bilang nakakatakot. Tuluyang nalulusaw ang malaya sanang pagharaya sa anyo ng katatakutan na maaring magtampok sa higit na nkakakatakot na dahas ng bansa. Sa ganitong sistema, nananatili ang mga gumagalaw na imahen sa mga pelikula ng SRR bilang palabras na tuwirang naiiwan lamang sa ?labas?at hindi nakakaabot sa ?loob? ? palabas lamang ER -