000 02603nam a22002177a 4500
003 UPMIN
005 20230929092832.0
008 230928b |||||||| |||| 00| 0 eng d
040 _cUPMin
090 _aLG995 2018 P46
_bQ55
100 _aQuintos, Jay Jomar F.
_eauthor
_923724
245 _aSa daigdig ng haraya at takot :
_bmga tinalunton na pahiwatig at talinghaga sa kaalamang-bayan at pelikulang katatakutan /
_cJay Jomar F. Quintos
260 _c2018
300 _a316 leaves
502 _aThesis
_b(MA Araling Pilipino)
_cUniversity of the Philippines Diliman,
_d June 2018
520 3 _aBukod sa pagtatampoksa mga nilalang mula katutubong-bayan, masasabing walang maayos at malinaw sa pagpapakahulugan ukol sa pelikulang katatakutan. Sa Shake, Rattle and Roll (SRR) ? ang pinakatanyag at pinakamatagumpay na pelikulang katatakutan sa bansa ? paboritong itinatampok ang mga nilalang tulad ng ?aswang?, ?engkanto?, at ?kaluluwa?. Sinisipat ng pag-aaral na ito ang hinog na hinog na pangangailangang suriin kung papaano hinahalaw ang mga nilalang mula sa katutubong kaalamang-bayan patungong pelikulang katatakutan upang lumikha ng takot, pangamba, at agam-agam. Kung ang pelikula ay sinasabing daluyan ng signipikasyon ? mula sa mga naratibong hinahalaw patungong gumagalaw at kumikislap na imahen ? ito?y dumaraan din sa proseso ng pakikisangkot sa paglikha ng kiskursibong kahulugan. Sa pag-aaral na ito, sinisiyasat ang banggaan ng katutubong kaalamang-bayan at kulturang popular ng pelikula hinggil sa pagtatampok sa mga nilalang tulad ng ?aswang?, ?engkanto?, at ?kaluluwa? na binibihisan ng anyong kakila-kilabot, kahindik-hindik, at katakot-takot. Tinatanaw ng pag-aaral ang mga pelikula sa serye ng SRR bilang sinematikong kaalamang-bayan na binibigyang hugis at anyo ng luma ay bagong kolonyalismo. Sa pagsusuri ng mga pelikula, nagging gabay at batayan ang pangkultura, panlipunan, pang-ekonomiya, at pampolitikong kaligiran na umiinog sa mga diskurso ng kaalamang-bayan at pelikula. Bilang paglalagom, masasabing lumilikha ng dahas at lagim ang mga ikinakabit na pagpapakahulugan sa mga nilalang mula sa katutubong kaalamang-bayan bilang nakakatakot. Tuluyang nalulusaw ang malaya sanang pagharaya sa anyo ng katatakutan na maaring magtampok sa higit na nkakakatakot na dahas ng bansa. Sa ganitong sistema, nananatili ang mga gumagalaw na imahen sa mga pelikula ng SRR bilang palabras na tuwirang naiiwan lamang sa ?labas?at hindi nakakaabot sa ?loob? ? palabas lamang.
700 _aZafra, Galileo S.
_eadviser
_923725
905 _aFi
905 _aUP
942 _2lcc
_cTHESIS
_n0
999 _c20233
_d20233